Ano ang lihim na pangalan ng Diyos Ama? Sa lumang tipan, wala naman talagang deretsong binigay na pangalan ng Diyos. Ang pinakilalang pangalan ng Diyos sa Bibliya ay consonant lahat ito ay binigay sa wikang Hebreo na kung basahin ay "YHWH". Walang mga vowel di ba? Nahirapan ang mga tao sa pagbigkas kaya nilagyan nila ito ng vowel na katunog rin sa mga consonant na binigay. At dito nabuo ang pangalan na (Yahweh at Jehovah).
Pero ano nga ba talaga ang lihim na pangalan ng Diyos Ama? Yahweh nga ba, Jehovah na imbinto lang ng tao o ang di kaya ang pangalan ng Diyos na binigay niya kay Kristo Hesus upang ipakilala sa mga tao? Basahin nga natin ang isang talata;
Juan 17:11-12 Tagalog
Ngayon ay wala na ako sa sanlibutan ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Ako ay patungo sa iyo. Banal na Ama, ingatan mo sila sa iyong pangalan, sila na ibinigay mo sa akin. Ingatan mo sila upang sila ay maging isa, kung papaanong tayo ay isa. Nang ako ay kasama nila sa sanlibutan ay iningatan ko sila sa iyong pangalan. Ang mga ibinigay mo sa akin ay iningatan ko. Walang sinuman sa kanila ang napahamak maliban sa kaniya na anak ng kapahamakan upang ang kasulatan ay matupad.
Sa ebanghelyong iyan, pinapatunaan ni Kristo Jesus na ang Diyos ay mayron talagang pangalan. Ang tanong, ano nga ba talaga ang pangalan ng Diyos? Pabalik-balik niya itong binanggit na pangalan ng kanyang Ama! Upang masagot natin ang tanong na iyan basahin natin ang isang libro sa sulat ni Juan ebanghelista.
John 5:43 Tagalog
Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin: kung iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, ay siya ninyong tatanggapin.
I came in the name of my Father, but you do not accept me; yet if another comes in his own name, you will accept him.
Napakalinaw nga po naman, na ang pangalan pala ng Diyos ay ang ginamit ni Kristo na pangalan nang siyay pumarito sa sanlibutan. Nakuha ba ninyo mga kapatid? Naparito si Kristo gamit ang pangalan ng kanyang Ama (DIYOS). Kaya sinabi niya na "Naparito ako sa pangalan ng aking Ama". Sana naman nagkaroon na ng liwanag ang isat-isa sa tanong kung sino ang Diyos Ama ni Kristo Jesus o ano ang lihim na pangalan ng Diyos Ama. Kung mayron pang mga katanungan, maglagay lang ng mga komento sa ibaba ng pahinang ito.
Latest comments on Sino Ang Diyos Ama | Ano Ang Lihim Na Pangalan Ng Diyos Ama