1 Timothy 5:23 Tagalog Version At Paliwanag

 

1 timothy 5 23 tagalog
1 timothy 5:23 tagalog 

Bawal ba ang alak ayon sa bibliya? Maraming mga tao na nagsasabing masama raw ang pag-inom ng alak dahil nga wala rawng lasinggero ang makakapunta sa langit. Ang binasihan nilang talata ay mababasa sa sulat ni Apostol Pablo sa Mga Taga-Corinto.
1 Mga Taga-Corinto 6:9-10
Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos.
Sa aklat ng Kawikaan dini-discourage nito ang pag-inom ng sobrang alak dahil hindi ito makakabuti sayo o magdudulot ng maganda pag ito ay sobra na at ikaw ay malasing na.

Bakit masama uminom ng alak?

Kawikaan 23:29-35
Sino ang may matinding problema? Sino ang mahilig sa away? Sinong mareklamo? Sinong nasugatan na dapat sana ay naiwasan? At sino ang may mga matang namumula? Sino pa kundi ang mga lasenggong sugapa sa ibaʼt ibang klase ng alak! Huwag kang matakam sa alak na napakagandang tingnan sa isang baso at tila masarap. Kapag nalasing ka, sasama ang iyong pakiramdam na parang tinuklaw ka ng makamandag na ahas. Kung anu-ano ang makikita mo at hindi ka makakapag-isip ng mabuti. Pakiramdam moʼy nasa gitna ka ng dagat at nakahiga sa ibabaw ng palo ng barko. Sasabihin mo, “May humampas at sumuntok sa akin, ngunit hindi ko naramdaman. Kailan kaya mawawala ang pagkalasing ko para muli akong makainom?”
Kung napansin ninyo hindi natin mabasa na bawal talaga ang pag-inom ng alak, na tayoy magkakasala kung uminom tayo ng kahit anong klasing alak. Kung tutuosin gumawa pa nga ang Panginoon Jesus ng alak nong ginawa niya ang pinakauna niyang himala sa panahong nagkaroon ng isang kasalan sa Cana ng Galilea.
JUAN 2:1-11
At nang ikatlong araw ay nagkaroon ng isang kasalan sa Cana ng Galilea; at naroon ang ina ni Jesus: At inanyayahan din naman si Jesus, at ang kaniyang mga alagad, sa kasalan. At nang magkulang ng alak, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Wala silang alak. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, anong pakialam ko sa iyo? ang aking oras ay hindi pa dumarating. Sinabi ng kaniyang ina sa mga alila, Gawin ninyo ang anomang sa inyo'y kaniyang sabihin. Mayroon nga roong anim na tapayang bato na nalalagay alinsunod sa kaugaliang paglilinis ng mga Judio, na naglalaman ang bawa't isa ng dalawa o tatlong bangang tubig. Sinabi sa kanila ni Jesus, Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan. At kanilang pinuno hanggang sa labi. At sinabi niya sa kanila, Kunin ninyo ngayon, at inyong iharap sa pangulo ng kapistahan. At kanilang iniharap. At nang matikman ng pangulo ng kapistahan ang tubig na naging alak nga, at hindi niya nalalaman kung saan buhat (datapuwa't nalalaman ng mga alila na nagsikuha ng tubig), ay tinawag ng pangulo ng kapistahan ang kasintahang lalake, At sinabi sa kaniya, Ang bawa't tao ay unang inilalagay ang mabuting alak; at kung mangakainom nang mabuti ang mga tao, ay saka inilalagay ang pinakamasama: itinira mo ang mabuting alak hanggang ngayon. Ang pasimulang ito ng kaniyang mga tanda ay ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea, at inihayag ang kaniyang kaluwalhatian; at nagsisampalataya sa kaniya ang kaniyang mga alagad.
Napakalinaw po na hindi pala masama ang alak kung hindi ito abusuhin sa paggamit. Sa katunayan kahit si Apostol Pablo ay nag-utos rin sa pag-inom ng konting alak kung may mga problema sa sikmura.
1 Timoteo 5:23
Huwag puro tubig lang ang iyong iinumin; uminom ka rin ng kaunting alak na gamot sa madalas na pagsakit ng iyong sikmura.
Sa ngayon, natatakot ka pa bang uminom ng alak? Hindi na oy! Pero kailangan may kontrol tayo sa sarili sa pag-inom ng alak dahil kung hindi, ito ay maghahatid sa atin ng kasamaan both spiritual at sa material nating pangangatawan. Sana may natutunan ang bawat isa sa topic nating ito. God bless us!

2 Comments

Latest comments on 1 Timothy 5:23 Tagalog Version At Paliwanag

  1. Anonymous11:01:00 PM

    Bawal uminom ng alak kung walang pera.🤣

    ReplyDelete
  2. Dalawang lasing umihi sa Toilet, isang straight, at isang gay. Gay was watching straight guy habang umiihi.
    Straight: “Pag di ka tumigil, hahampasin kita nito!”
    Gay: “Promise?”
    hahaha😀😁😂🤣 gusto palang hampasin!

    ReplyDelete
Post a Comment
Previous Post Next Post