Tagalog Sermon Tungkol Sa Pagsunod Sa Diyos. |
Bakit mahalagang gawin natin ang tunay na pagsunod sa kautusan ng Diyos? Minsan iyan ang magiging tanong ng ilang Kristiano at kung isipin nating maigi, madali lang pala ang sagot; sundin lang natin ang utos ng Diyos para maligtas at makapasok na tayo sa kaharian ng Diyos na tinatawag na LANGIT. Ang kaligtasan ay bunga ng pagsunod sa panginoon. Oh! diba madali lang sabihin pero ang tanong madali nga rin bang gawin? Kung gusto talaga nating gawin, magagawa natin yan kung nandito na sa loob natin ang espiritu ni Kristo Jesus.
Balikan natin ang tanong; bakit mahalagang gawin natin ang tunay na pagsunod sa kautusan ng Diyos? Take note tayo sa "Tunay na Pagsunod". Mayron kasing mga tao na akala nila tama ang kanilang paniniwala tungkol sa pagsunod sa Diyos. Ang mga taong iyan ay naniniwala sa kanilang tagapagturo na salungat sa turo ni Kristo. Kaya napakahalagang gawin talaga natin ang tunay o tamang pagsunod sa kautusan ng Diyos. Anong sabi ni Kristo Hesus sa aklat ni Mateo?
Mateo 7:21–23
Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.
Napakalinaw! Biruin mo akala ng taong iyan ligtas na siya sa kanyang mga ginawa kaso lang mali ang kanyang paniniwala tungkol sa pagsunod sa kautusan ng Diyos, kaya hindi siya makakapasok sa Langit. Ganyan kahalaga kung bakit mahalagang gawin natin ang tunay na pagsunod sa kautusan ng Diyos.
Latest comments on Tagalog Sermon Tungkol Sa Pagsunod Sa Diyos