Bible Verse Tungkol Sa Pagsamba Sa Rebulto

 

Bible verse tungkol sa pagsamba sa rebulto 

Sabi ng mga hindi Katoliko na hindi daw tama ang pagkakaroon ng rebulto sa simbahan, kasi binawal raw ito ng Bibliya. Diyosdiyosan daw ang rebulto na ginawa ng mga katoliko. Totoo ba ito na bawal sa Bibliya ang rebulto ng mga katoliko at diyosdiyosan raw ito? Tingnan nga natin isa-isa.

Bawal ba sa Bibliya ang pagkakaroon ng rebulto ni Kristo sa Krus?

Ang basihan kasi ng mga anti-catholic ay ang aklat sa exodos. Basahin natin.

Exodo 20:3-5
3 “Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
4 “Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 5 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.
Malinaw po ang sinabi ng Bibliya na "HUWAG GAGAWA NG IMAHEN UPANG SAMBAHIN", at alam naman natin na hindi sinasamba ang imahen ng mga katoliko kundi ito'y isang paraan lamang na maalaala natin kung paano tayo niligtas ni Kristo Jesus sa pamamagitan ng Krus.

Tungkol naman sa mga larawan ng mga propeta o mga banal na tao ng Diyos, hindi masama ang pagkakaroon ng kanikanilang rebulto dahil ito ay isang paraan na palagi natin silang maalaala sa kanilang mabubuting gawa at sa ganon ma-apply rin natin ito sa ating totoong buhay.

Inutusan ba tayo na tularan ang kanilang ginawa?
Santiago 5:10
Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa pangalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan.
Napakalinaw po na inaanyayahan tayo ng Diyos na tularan natin ang mga gawa ng mga Propeta. At sa pamamagitan ng mga rebulto o imahen mas madali natin silang maalala.

Ang binawal talaga ng Diyos sa paggawa ng rebulto ay yong rebulto ng mga diyos diyosan na mabasa natin sa aklat ng mga Hukom.
Mga Hukom 2:11-13
11 Ang mga Israelita ay gumawa ng kasamaan laban kay Yahweh at sumamba sila sa mga Baal. 12 Tinalikuran nila si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na nagligtas sa kanila sa Egipto. Naglingkod sila at sumamba sa mga diyus-diyosan ng mga bayan sa kanilang paligid. Kaya nagalit sa kanila si Yahweh. 13 Itinakwil nila si Yahweh at naglingkod sa mga Baal at kay Astarot.
Ayon naman pala eh, ang ipinagbabawal ng Diyos ay ang pagsamba sa mga diyos diyosan na tinatawag na Baal at kay Astarot. Sa katunayan nagpagawa pa nga ang Diyos ng mga imahen o rebulto ng mga Keruben na mabasa natin sa aklat ng Exodo.
Exodo 25:18-22
18 Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto ang dalawang dulo nito, 19 tig-isa sa magkabilang dulo. Ihihinang ang mga kerubin upang ito at ang Luklukan ng Awa ay maging iisang piraso. 20 Gawin mong magkaharap ang dalawang kerubin na parehong nakatungo, at nakabuka ang mga pakpak na nilulukuban ang Luklukan ng Awa. 21 Ilalagay mo ito sa ibabaw ng kaban na kinalalagyan ng dalawang tapyas na bato ng kautusang ibibigay ko sa iyo. 22 Doon tayo magtatagpo sa Luklukan ng Awa, sa pagitan ng dalawang kerubin; doon ko ibibigay sa iyo ang kautusan ko sa mga Israelita.
Kaya dito natin makita o ma-prove na hindi lahat imahen o rebulto ang bawal. Ang bawal ay ang mga larawan ng mga diyos diyosan na hindi man lang nag-exist o nakita kailanman.

Kung mayron pang mga katanungan at mga reaksyon tungkol sa ating topic na pagsamba sa rebulto verse, pakilagay nalang po sa comment area at sagutin natin yan at bigyan ng paglilinaw.


3 Comments

Latest comments on Bible Verse Tungkol Sa Pagsamba Sa Rebulto

  1. Huwag tayong lumabag sa Batas ng Diyos, kaso lang nakakalulungkot yong iba sa kahoy pa rin sumasamba.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala pong kristiyano na sumasamba sa kahoy, lahat pong relihiyon ay sumasamba sa Diyos. Baka po na-miss enterprate nyo lang po.

      Delete
  2. Ayaw nila sa rebulto ng mga Santo dahil ang gusto nila ay ang rebulto ng kanilang bulaang pastor katulad ni Manalo, Ellen, at iba pa...😅

    ReplyDelete
Post a Comment
Previous Post Next Post