Best Bible Verse About Love Tagalog Version

Bible Verse About Love Tagalog
Bible Verse About Love Tagalog 

Talakayin natin ngayon ang napakahalagang bagay na magdadala sa atin ng kaligayahan at kaligtasan, ito ay tinatawag na "PAG-IBIG". Dito natin malaman kung paano tayo niligtas ng Diyos mula sa makasalanang buhay. Hindi ito pag-ibig na materyal kundi ito ang pag-ibig pang-espirituwal na magbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan!

7 Best Bible Verses About Love Tagalog Version With Explanation

1 Mga Taga-Corinto 16:14
Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.
1 Corinto 13:4-7
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, 
hindi mayabang ni mapagmataas man, "
"hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili,
 hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa." 
"Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama,
 ngunit ikinagagalak ang katotohanan. " 
"Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, 
at mapagtiis hanggang wakas.
Kawikaan 3:2-4
sapagkat ito ang magpapahaba at magpapaunlad ng iyong buhay. Manatili kang mapagmahal at matapat; alalahanin mo itong lagi at itanim sa iyong isipan. Kapag ginawa mo ito, malulugod ang Dios pati na ang mga tao.
1 Juan 4:16
At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.
Juan 15:12
Ang utos ko ay ito: Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.
1 Juan 4:8
Ang sinumang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.
2 Timoteo 1:7
Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi nagpapahiya sa atin, ngunit nagbibigay sa atin ng kapangyarihan, pag-ibig at disiplina sa sarili.
Napakahalaga po ang pag-ibig para atin hindi lamang sa katawan nating panglupa kundi pati na rin sa katawan nating pang-espirituwal. Kung may naisip pa kayong idagdag na mga verses tungkol sa pag-ibig o gusto niyong magtanong  tungkol sa ating topic, pakilagay nalang po sa ating comment section.

2 Comments

Latest comments on Best Bible Verse About Love Tagalog Version

  1. Maria Gracia6:21:00 PM

    To love well is the task in all meaningful relationships, not just romantic bonds.

    ReplyDelete
  2. Boy Labyog😍6:30:00 PM

    Naranasan mo na ba makipag-inuman sa mahal mo?
    Yung tipong nalalasing ka na tapos napayakap ka sa kanya
    At bumulong sya sa yo..”mahal kita…” nagulat k at nagtanong .. “ano?”sumigaw
    sya .. “tagay mo na!”🤣 hahaha sayang...

    ReplyDelete
Post a Comment
Previous Post Next Post