Bible Verses Tungkol Sa Kamatayan |
Ang paniniwala ng mga kristiyano sa kamatayan ay iba sa paniniwala ng ibang mga sekta. Ano kaya ang sabi ng Bibliya tungkol sa kamatayan? Sabi ng iba na nagpaparamdam daw ang mga patay, samantala sabi rin ng ibang mga pastor hindi totoo yan dahil hindi pa daw nabubuhay ang mga patay. Sa katunayan mayron silang mga bersikulo na pinakita upang mapatunayan na hindi totoo na buhay na ang mga yumao. Basahin natin ito sa ibaba.
Mga Bible Verses Tungkol Sa Kamatayan
Job 7:9 Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa libingan ay hindi na aahon pa.
Job 7:10 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.
Ecclesiastes 9:10 Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol (libingan), na iyong pinaparunan.
Ecclesiastes 9:5 Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.
Ecclesiastes 9:6 Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.
Tama naman ang sinabi ng Bibliya kaso kulang ang kanilang interpretasyon. Alam mo ba kung bakit? Kasi ang sinabi ng Bibliya sa talatang iyan ay yong katawan ng Tao. At dapat nating malaman na mayron 3 bahagi ang tao na binanggit ng Bibliya. Tayo ay may Espiritu, Kaluluwa, at Katawan. Basahin natin ang talata.
1 TESALONICA 5:23
Nawa ang Diyos ng kapayapaan ang siyang magpabanal sa lahat sa inyo. Nawa'y manatiling walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang inyong espiritu, kaluluwa, at katawan, hanggang sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Latest comments on Bible Verses Tungkol Sa Kamatayan