Galatians 2:20 Tagalog |
Galacia 2:20Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.
Paano tayo mapako sa Krus kasama ni Cristo?
Upang tayo ay makasama niya sa kanyang muling pagkabuhay, kailangang makasama muna natin siya sa kanyang kamatayan. Paano? Ito ay sa pamamagitan ng "BINYAG". Basahin natin ang talata.
Roma 6: 4-5, NIVSamakatuwid tayo ay inilibing na kasama Niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan upang, tulad ng muling binuhay ni Cristo mula sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng ama, maaari din tayong mabuhay ng isang bagong buhay. Kung nagkakaisa tayo sa Kanya tulad nito sa Kanyang kamatayan , tiyak na magkakaisa din tayo sa Kanya sa Kanyang muling pagkabuhay.
Napakalinaw po na ang BINYAG ay napakahalaga sa ating kaligtasan, dahil dito magsimula na magkaroon tayo ng banal na Espiritu na galing ni Kristo na laging mag-guide sa atin sa paggawa ng mabuti, at dito magsimula ang pagkaroon ng pananampalataya na magdadala sa atin ng kaligtasan.
Latest comments on Galatians 2:20 Tagalog: Paano tayo mapako sa Krus na kasama ni Cristo?