Leviticus 18:22 Tagalog |
Tumataas ngayon ang kaso tungkol sa pakikipag-relasyon ng mga lalaki sa kapwa nila lalaki. Kaya maraming nagtatanong tungkol dito kung ano ang sabi sa Bibliya tungkol sa pakikipagtalik ng isang lalaki sa kapwa niya lalaki. Noong unang panahon sa pamamahala ni Moises o Moses, nakipag-usap ang Diyos sa kanya tungkol sa pakikipagtalik ng isang lalaki sa kapwa niya lalaki. Sang-ayon kaya ang Diyos nito? Basahin natin ang talata.
Levitico 18:22Huwag kayong makipagtalik sa kapwa ninyo lalaki; iyan ay karumal-dumal.
Naku karumal-dumal daw ang pakipagtalik ng isang lalaki sa kapwa niya lalaki. Kung ganon paano ngayon ang katayuan sa mga bakla? Hindi naman siguro kasalanan ang pagiging bakla o bading maliban lamang kung gumawa ito ng karumal-dumal na ipinagbabawal ng Diyos.
Ngunit baka naman sabihin ng iba na sa panahon lang ni Moises ang utos na yan. Nagkamali po kayo ng pag-akala, dahil kahit sa bagong tipan ay tinatawag yan na masamang gawa at paparusahan ang gumawa nito. Basahin natin ang talata.
Mga Taga-Roma 1:27Ganoon din ang mga lalaki; ayaw na nilang makipagtalik sa mga babae, at sa kanilang kapwa lalaki sila nahuhumaling. Ginagawa nila ang mga kasuklam-suklam na bagay, kaya't sila'y paparusahan ng nararapat sa kanilang masasamang gawa.
Kaya wala talagang lusot ang mga gumawa ng kasuklam-suklam na bagay. Sa sinabi ko na na hindi kasalanan ang pagkabakla o puso babae, ngunit kung makipagtalik kana sa kapwa mo lalaki ay ibang usapan na yan, yan ang sinasabing karumal-dumal sa Diyos.
Sana may natutunan kayo sa usapang ito, at kung naiisip ninyong mahalaga ito para sa iyong mga kaibigan at pamilya paki-share nalang po sa inyong social media acount. God bless us.
Latest comments on Leviticus 18:22 Tagalog "Pakikipagtalik Sa Kapwa Lalaki"