Bible Verse About Death Tagalog

Bible Verse About Death Tagalog
Bible Verse About Death Tagalog 

Ito ang listahan sa mga paborito kong bible verses about death na nakasalin sa tagalog. Bawat talata na aking nababasa ay dinadampi nito ang aking puso. Maramdaman natin na mahal tayo ng Diyos.
Mga Romano 6:23
Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
Pahayag 21:4
At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.
Mga Awit 23:4
Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
Lucas 23:43
At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso.
Mateo 5:4
Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.
Iyan ang mga Bible Verses na nakapag-touch sa akin na feeling ko mahal tayo ng Diyos dahil sa binigay niyang pag-asa sa atin sa pamamagitan ng Panginoong Jesucristo ang tagapagligtas.





Latest comments on Bible Verse About Death Tagalog

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post