1 corinthians 13 4-7 tagalog at paliwanag |
1 Corinto 13:4-7 Magandang Balita Biblia
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.
Mga Paliwanag
Ang ibig sabihin ni Paulo or Pablo sa talata na ang pag-ibig ay nagbubunga ng maraming kabutihan. Yan ang mga gawa sa tunay na pag-ibig, pinaliwanag niya ng mahusay at maliwanag kasi iba ang pagka-intindi sa iba tungkol sa pag-ibig. Kaya sa talatang ibinigay niya maliwanag ang pagkasabi niya kung ano ang bunga sa mga taong may tunay na pag-ibig, ang pag-ibig na iyan ay galing sa Diyos sa pamamagitan ng Espirito Santo. Kaya diyan natin malalaman kung kasama sa kaligtasan ang isang tao dahil mayron siyang pag-ibig, dahil tanda iyan na nandiyan sayo ang Espiritu ng Diyos sa kaligtasan.
Lahat ng batas na bigay ng Diyos sa tao ay hindi kailanman magkasalungat sa gawa ng pag-ibig na sinasabi sa talata na sulat ni San Pablo. Sana may nakuha kayong konting kaalaman tungkol sa totoong pag-ibig na binigay ng Diyos ayon sa talata. Pagpalain nawa tayo ng Diyos.
Latest comments on 1 Corinthians 13 4-7 Tagalog At Paliwanag Nito