10 Bible Verse Tungkol Sa Pasasalamat (OLD at NEW Testament)

Bible Verse Tungkol Sa Pasasalamat
Bible Verse Tungkol Sa Pasasalamat 

Ang isa sa mga pinakamagandang bagay na gusto ng Diyos na ating gawin ay ang pagpapasalamat, lalong lalo na sa mga napakahalagang bagay na ginawa ng Diyos para sa atin. Lahat ng bagay na pinahintulutan ng Diyos na mangyari sa atin ay may mga magandang layunin para sa ating ikabubuti. Maaring magampanan ito kaagad o maaari ring kailangan pa nito ng sapat na pasensya at mangyayari ito sa tamang oras.

Ito ang mga bible verse tungkol sa pasasalamat

Old Testament
Mga Awit 107:1
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Mga Awit 103:1-5
1Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.
2Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.
3Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit;
4Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak: na siyang nagpuputong sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan:
5Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay; Na anopa't ang iyong kabataan ay nababagong parang agila.
Panaghoy 3:23
Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila.
Mga Awit 95:2
Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
2 Samuel 2:6
At ngayon nawa'y pagpakitaan kayo ng Panginoon ng kagandahang loob at katotohanan: at ako naman ay gaganti sa inyo nitong kagandahang loob, sapagka't inyong ginawa ang bagay na ito.
New Testaments
1 Tesalonica 5:18
Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
Colosas 3:15
At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.
Mateo 6:21
Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.
2 Mga Taga-Corinto 2:14
Datapuwa't salamat sa Dios, na laging pinapagtatagumpay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa't dako.
1 Tesalonica 5:16-18
Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
Kapag ang kapayapaan ni Cristo ay namumuno sa ating mga puso, umaapaw ang pasasalamat. Kahit na sa pinakamadilim na panahon, maaari nating purihin ang Diyos, sapagkat ang plano ng Diyos ay mas mabuti kaysa ating plano. Siya lamang ang perfect na nakakaalam sa mga mangyayari sa ating buhay sa hinaharap. God bless us!

Latest comments on 10 Bible Verse Tungkol Sa Pasasalamat (OLD at NEW Testament)

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post