Bible Verse About Faith Tagalog

Bible Verse About Faith Tagalog
Bible Verse About Faith Tagalog 

Kapag faith o pananampalataya ang pag-usapan may ibat-ibang paliwanag ang bawat sekta o relihiyon. Isa na nito ang isang sekta na "Born Again" na ang kanilang paniniwala daw ay "faith alone". Kapag naniniwala daw ni Kristo Jesus ay ligtas na kahit wala pa itong nakikitang mga mabubuting gawa.Naging doktrina nila ito dahil sa nabasa nila sa aklat ng mga taga Efeso. Basahin natin;
Mga Taga Efeso 2: 8-9
Sapagkat sa biyaya ay naligtas ka sa pamamagitan ng pananampalataya. At hindi ito ang iyong sariling gawa; ito ay kaloob ng Diyos, hindi bunga ng mga gawa, upang walang sinumang makapagyabang.

Mga kaibigan tama nga naman na ang kaligtasan ng isang tao o kristiyano ay sa pamamagitan ng pananampalataya. Pero hindi ibig sabihin na hindi na tayo kailangang gumawa ng mabuti dahil ang pananampalataya ay kailagan pa ng mga pagsubok.

Santiago 1:2-3
Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.

Napakalinaw po kaibigan na sinusubokan nga po pala ang faith o pananampalataya. Kaya kailangan pa nating gumawa ng mabuti para mapatunayan natin sa Panginoon na tunay nga ang ating pananampalataya. Kaya nga sinabi ni apostol Pablo na mamuhay tayo batay sa pananampalataya ng Panginoon.

2 Mga Taga-Corinto 5:7
Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita.

At sabi pa niya na patay ang pananampalataya kung wala itong kasamang mabubuting gawa. Ang gawa ay kailangan upang maging ganap ang pananampalataya.. Basahin natin ang boung bersekulo;

Santiago 2:17-22
Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa. Ngunit may nagsasabi, “May pananampalataya ka at may gawa naman ako.” Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang walang kasamang gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa. Isa kang hangal! Nais mo pa bang patunayan ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kasamang gawa? Ang ating amang si Abraham ay kinalugdan ng Diyos dahil sa kanyang mga gawa, nang ihandog niya sa dambana ang anak niyang si Isaac, hindi ba? Dito ay makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at mga gawa, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa.
Sana nakuha ninyo ang kaunting kaalaman na binigay ko sa itaas. Kung mayron pang mga dagdag na kaalaman o mayron mang mga tanong tungkol sa ating topic (Bible Verse About Faith Tagalog), pakilagay nalang sa comment area.

Latest comments on Bible Verse About Faith Tagalog

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post