1 John 4:19 Tagalog |
1 Juan 4:19Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.
Sa verse na ito ating mapansin kung gaano ka tapat magmahal ang Panginoon, na kahit sa panahong hindi pa natin naipakita o napadama ang ating pag-ibig, ang Panginoon ay umibig na sa atin. Kaya nang tayo ay nahirapan sa pagsunod sa kagustuhan ng Maykapal, pinadala niya ang kanyang anak upang ang lahat ay maligtas.
Juan 3:16-17
Mahal na mahal ng Diyos ang sanlibutan, na ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang maniwala sa kanya ay hindi mapahamak ngunit magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagka't hindi sinugo ng Diyos ang kanyang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanlibutan, ngunit upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ang siyang nag-udyok sa Kanya na ipadala si Cristo sa mundo upang iligtas tayo. Binayaran ni Cristo ang ating mga kasalanan, na pinaghiwalay tayo sa Kanya. Ang sakripisyong ito ay hindi lamang nagdudulot sa atin ng kapayapaan sa Diyos, dinadala din tayo sa isang personal, mapagmahal na ugnayan sa Kanya. (Rom 5:1-5)
Dahil sa ating pagiging makasalanan, wala tayong kapangyarihang tuparin ang batas ng Diyos. Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay ipinakita sa pamamagitan ni Kristo na tumubos, o nagbayad, ng halagang inutang natin para sa ating paghihimagsik. (Gal 3:13). Pinalaya tayo ng pag-ibig ng Diyos mula sa pagkakasala at takot.
Sana may natutunan kayo sa pahinang ito, at makakatulong ito sa pag-angat ng iyong physical at espiritual life.
Latest comments on 1 John 4:19 Tagalog At Ang Tamang Kahulugan